Ang Luneta ay isang makasaysayang lugar dito sa Pilipinas. Dito binaril at nalagutan ng hininga ang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Ito ay matatagpuan sa Maynila. Isa ito sa lugar na pinagmamalaki ng Pilipinas. Kung magugunita ang salitang Maynila, maaalala mo ang lugar na Luneta. Marami ang namamasyal sa lugar na ito dahil sa kanyang magandang kapaligiran.
Ngunit batid ng lahat sa ngayon ang di inasahang pangyayari na naganap sa lugar na ito. Ang "hostage situation" na naganap noong Lunes, 23 ng Agosto 2010. Ikinalulungkot ko ang pangyayari sa dahilang marami ang mga inosenteng tao ang nasawi.
Ako po ay isang mamamayang Pilipino. Walang sinuman po sa atin ang may nagnananis na maganap ang isang bagay na hindi inaasahan ng karamihan. marami ang nakabatid ng pangyayaring iyon. Halos buong bansa ang nakamasid and nakarinig ng pangyayari. Ikinalulungkot ko po ang bagay na iyon.
Sa pamamagitan ng aking "blog" ay mabibigyan ko ng pagkakataon na masabi ang aking damdamin tungkol sa mga biktima ng "hostage situation."
Buong puso po akong nakikiramay sa mga naging biktima ng pangyayari. Hindi ko po kayo masisisi sa maalab na damdaming inyong nadarama. Ngunit batid ko po na ang gobyernong Pilipinas ay gumagawa ng lahat ng bagay nga makapagpapayapa ng inyong damdamin kahit isipin pa na ito ay huli na, dahil sa marami na ang nasawi.
Muli, ako po ay buong pusong nakikiramay sa mga nasawi at sa mga kamag-anak ng mga nasawi.
No comments:
Post a Comment